151. Pag-aalaga at pagpaparami ng likas na pagkain para sa similya ng mga isda at hipong tabang
- Author
-
Gutierrez, Reylan C., Gutierrez, Reylan C., Rutaquio, Mildred P., Aya, Frolan, Romana-Eguia, Maria Rowena R., Gutierrez, Reylan C., Gutierrez, Reylan C., Rutaquio, Mildred P., Aya, Frolan, and Romana-Eguia, Maria Rowena R.
- Abstract
Inilalarawan sa manwal na ito ang iba’t-ibang paraan ng pag-aalaga at pagpaparami ng microalgae at iba pang natural na organismong pagkain para sa mga similya ng isda at hipong tabang na inaalagaan at pinaparami sa mga hatcheries. Sa pamamagitan ng manwal na ito, maisusulong ang paggamit ng mga natural at naproseso na mga nasabing organismo bilang isang paraan para mapabuti ang produksyon ng mga isda at hipong tabang. Ang manwal na ito ay sadyang isinulat para makatulong sa mga lokal na may-ari ng mga hatcheries ng ulang at isdang tabang kabilang na ang kanilang mga technicians. Ito ay naglalayong magkaroon sila ng mas mahusay na pag-unawa sa kahalagahan ng pagpaparami at pag-aalaga ng ng mga likas na pagkain bilang isang kritikal na aspeto sa pag-aalaga at masaganang produksyon ng mga similya sa hatchery.
- Published
- 2023